top of page
Untitled design (3).png
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Schools Division Office of Navotas City
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
3.png

Tara dito,
ALS Tayo!

Sa tulong ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education, maaari kang magsimulang muli at ipagpatuloy ang iyong pangarap na makapagtapos.

Libre at kalidad na edukasyon ang hatid sa inyo ng ALS!

ALS Navotas

Ang Alternative Learning System (ALS) Navotas ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Schools Division Office ng Navotas City, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

Ang ALS Implemeters ay binubuo ng mga ALS Teachers, Community ALS Implementors, at Learning Facilitators na sama-samang naglilingkod upang maihatid ang dekalidad na edukasyon sa mga out-of-school children, youths at adults.

Mga Programa

Ang ALS ay may iba’t ibang programa na nakaayon sa antas ng pagkatuto at mga layunin ng bawat learner.

Key Stage 1: Basic Literacy Program
Kinder - Grade 3

Tinutulungan ang mga mag-aaral na matutong bumasa, sumulat, at magbilang sa isang maayos at sumusuportang kapaligiran sa pag-aaral.

Para sa mga edad labindalawa (12 years old) pataas.

Key Stage 2: A&E Elementary
Grade 4 - Grade 6

Programa para sa mga nagnanais makapagtapos ng Elementarya at makatanggap ng diploma matapos maipasa ang Accreditation and Equivalency (A&E) Test.

Para ito sa mga may edad na labindalawa (12) pataas.

Key Stage 3: A&E Junior High School
Grade 7 - Grade 10

Programa para sa mga nagnanais makapagtapos ng Junior High School at makatanggap ng sertipiko matapos maipasa ang A&E Test, bilang paghahanda sa pagpasok sa Senior High School.

Para sa mga edad labing-anim (16 years old) pataas.

Key Stage 4: Senior High School
Grade 11 - 12

Inihahanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo o trabaho sa pamamagitan ng mga aralin at kasanayang magagamit sa tunay na buhay.

Para sa edad labing-walo (18 years old) pataas.

Requirements

PSA Birth Certificate o Valid ID

2 pcs. 1x1 ID Photos in white background

SF10 o AF5 (Para sa mga papasok SHS)

AF2 (Enrollment Form)

How to Register

01

Ihanda ang iyong mga dokumento.

02

I-pasa ang application sa pinakamalapit sa iyong Community Learning Center o Barangay.

03

Simulan ang iyong paglalakbay patungong tagumpay!

Makipag-ugnayan sa ALS

Kasarian
Lalaki
Babae
Birthday
Month
Day
Year

ALS Office

ALS SDO Navotas City

Navotas Elementary School Compound, Los Martires Street, Brgy. San Jose, Navotas City

Contact Us

Phone: (02) 7000 2522

Facebook Page: ALS SDO Navotas City

Email: als.sdonavotascity@gmail.com

Office Hours:
Monday - Friday: 8:00 AM - 5:00 PM

Community Learning
Centers (CLC)

bottom of page