top of page
Untitled design (3).png
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Schools Division Office of Navotas City
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM

Frequently Asked Questions:

Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Alternative Learning System (ALS).

Ano ang Alternative Learning System o ALS?

Ang ALS ay isang programa ng gobyerno sa ilalim ng Department of Education na nagnanais na mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi nakapagtapos sa formal school na makabalik sa pag-aaral at makapag-tapos.

Sino ang pwedeng mag-ALS?

Ang ALS ay bukas para sa mga dropouts sa elementarya at sekondarya, mga out-of-school children, youths, and adults na hindi nakapagtapos sa formal school.

May bayad ba ang pag-aaral sa ALS?

Wala pong bayad o LIBRE ang pag-aaral sa ALS. Ang mga modules at kagamitan sa pag-aaral ay ibinibigay nang walang gastos sa mga learners.

Gaano katagal ang pag-aaral sa ALS?

Ang tagal ng pag-aaral ay depende sa kakayahan at bilis ng pagkatuto ng learner. Kadalasan, ang bawat level ay tumatagal ng hindi kukulangin sa sampung (10) buwan.

Saan naka-base ang pagpasa ng isang learner?

Naka-base po ang pinal na pagpasa ng learner ng kaniyang A&E Test na siyang ginagawa sa katapusan ng school year. 

Saan ang enrollment para sa ALS Navotas?

Maaaring mag-enroll sa ALS Office sa Navotas Elementary School Compound o sa mga itinalagang Community Learning Centers (CLC) sa inyong barangay.

bottom of page